Malungkot na Kanta ng Pluta

Unang Bahagi  (Ang maikling video na ito ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang tatlong minuto ay isang musikal na ginamitan ng kakaibang instrumentong tinatawag na ‘hang’. Isa itong porselanang mukhang kawali na nagbibigay ng kakaibang kaginhawaan sa tao gamit ang tunog nito. Tingnan ito dito. Ito ay tatlong minuto lamang ngunit nararapat itong pakinggan sapagkat ito ay nagmumula sa mga batang may taimtim at kaaya-ayang mga galaw.)    • Isa itong napakagandang pagganap kung saan maiisip mo na napunta ka sa kakaibang mundo. Sinabi ni Maulana sa mga gumanap na hindi iyon isang bagong instrumento tulad ng sabi ng karamihan (kahit pa ang Wikipedia) at sa katunayan ay ginagamit na ito simula pa sa panahon ng mga Turko (Ottaman). Ang mga babaeng tagaganap noon ay nagtatanghal sa mga Sultan ng Royal Harem sa Kaharian ng Ottoman upang magbigyan ito ng mahinahong pagpapahinga.. Mapagkumbabang nagpapasalamat si Maulana kay Allah sa pagpapadala sa mga batang tagapalabas dahil unti-unti nitong tinatanggal ang mga pasakit na kanyang dinadala.    Mga koleksyon ng ‘hangs’  Katapusan ng unang bahagi  Pangalawang bahagi    (Ang susunod na parte ng video na ito ay nagpapakita ng pagbibigay ni Maulana ng mga ideya tungkol sa nakakalungkot na tunog na hatid ng mukhang plutang instrumentong tinatawag na ‘nay’. Pinapakita ang pagkausap ni Maulana sa mga tagaganap pagkatapos ng pagtanghal. Ang pagtala ng video ay hindi naman nagpapakita sa pagtanghal mismo gamit ang pluta. Para mabigyan ng simplisidad ang lahat, ginamit namin ang salitang pluta imbes na ‘nay’ na siyang tunay nitong tawag.)        • Ang mga notang nilalabas ng pluta ay nakalungkot, nakakuyam at nakapagpabagabag. Bakit?  • Ang pluta ay gawa sa pamamagitan ng pagputol mula sa kawayang kahoy. Simula pa noong pilit itong pinutol mula sa inang-kawayan, ang kawawang bahagi ng kawayan na tinatawag na ngayong pluta ay hindi na tumigil sa pag-iyak at paghagulgol, na nagbigay ng tunog ng isang taong gustong makabalik sa kanyang pinagmulan. Gusto niyang bumalik kung saan siya magiging isa muli kasama ang iba pang kawayang kahoy.  • Ang ating mga kaluluwa ay matagal ng ginawa sa Langit sa napakahabang mga taon. Nanirahan tayo doon ng may buong pagpapaubaya at totoong kaligayahan dahil tayo ay nasa kanyang Banal na Kaharian. Dinala tayo sa mundo ng hindi natin kagustuhan at inilagay tayo sa isang hawla na puno ng makasarili at makasalanang hangad. Umiiyak tayo sa lungkot sa hindi inaasahang paghihiwalay sa ating pinagmulan. Hinahanap natin ang ating pabalik sa ating pinagmulan… ang Langit.  • Nang napakinggan ni Maulanan ang pluta, napaalalahanan siya sa malungkot na parte ng kanyang Kaluluwa. Nagsasabi itong ninanais na nitong makabalik sa kanyang kamalig. “Makinig ka sa sinasabi ng Kawayan sa iyo,” sabi niya, “Makinig ka sa mga daing nito! Iniuungot nito ang pagkawalay mula sa inang-kahoy nito.  • Pinuri ni Maulana ang mga magtatanghal sa pagsasabing ito ay buhay na buhay. Isa iyong palabas na hindi nagmula sa isipan kundi mula sa puso! “Ginawa ito tulad ng isang tunay na maestro,” sabi ni Maulana, “Naramdaman ko ang kaginhawaan at kaluwagan ng damdamin sa pamamagitan ng pakikinig sa kanya. At ang aking Panginoon, si Abdullah GrandShaykh ay pinatotohanan ito.”  Al-Fatihah    Komentaryo  1) Paghihiwalay at pagtatagpo  • Katulad ng isang batang sanggol na nahiwalay sa pangagalaga ng isang ina, ang paghihiwalay ng pluta mula sa inang-halaman nito ay napakasakit at masalimuot na karanasan. Katulad ng Kamatayan, ang pagkawalay ng kaluluwa mula sa katawan ay maihahalintilad sa napakasakit na pagkawala ng Kaluluwa mula sa ating katawan.  • Ipinapakita ni Allah mula sa ating makamundong pamumuhay na ang paghihiwalay ay isang mapait na karanasan at ang pagtatagpo ay napakatamis na tagumpay.  • Lahat ng kamatayan ay iniiyakan ng mga taong nagmamahal dito. Ang iba ay hindi kailanman natatanggap ang paghihiwalay na ito. Subalit sa lahat ng paghihiwalay ay may pag-asa ng muling pagtatagpo.ANG MGA TUNAY NA GABAY AY YAONG MGA PINUNO NG MGA PUSO  •    Sa huling bahagi ng video, napansin ni Maulana na ang gumanap ay may pananda ng isang Master, dahil na rin sa pag-arte niya gamit ang kanyang puso, at hindi gamit ang sariling isipan, at dahil diyan, ang kanyang mga natatanging tala ay tumagos sa puso ni Maulana, kung saan isang pakiramdam ng kaluwagan at kapanatagan ng loob ay siyang naging bunga. Tinuturo sa atin ni Maulana na ang ang ating mga gabay-panrelihiyon sa panahon ngayon ay naaayon sa dalawang uri.  •    Ang unang uri ay yaong mga taong matatalino at palaaral o kung sa Ingles ay yung mga Scholarly ones. Sila ay ang tipo ng mga taong nagsasalita kung ano ang nasa loob ng kanilang mga isipan, mula sa mga nasaulo nang mga tala at mga iba’t ibang diskusyon na ginagamit ang intelektuwal ng isang indibidwal. Abalang-abala ang mga ito sa pagtitipon ng mga papuri at titulo, mga magagaling ding tagapagsalita ang mga ito, madalas na nagpapahayag ng mga ideya mula sa kanilang mga pagsasaliksik at sanaysay. Sapagkat ang mga salitang nailalabas nila ay nanggagaling lamang mula sa kanilang isipan, may lumalabas na isang totoong Master, isang Master na nakikipag-usap sa iyo nang puso-sa-puso.  •    Pinag-iingat ni Maulana ang mga mureeds, o yung mga taong nakapangako na magiging tapat sa Murshid (teacher o guro), na hindi katulad ng proseso ng pagsuka ng nalasunang pagkain kapag nasimulan mo na itong kainin, kapag naturuan na ng maling paniniwala ang isang tao, hindi na din magiging madali na baguhin ang paniniwala nito. Lalasunin ka nito hanggang sa ikaw ay mamatay.

This entry was posted in Suhbah @tl and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.