Ang lahat ay nagsisimula sa paghahanap natin sa ating Diyos sa kabila ng mga pagsubok at mga bitag sa ating buhay. Ito ay inihanda sa atin ng demonyo na isang nilalang na itinalaga ang sarili na hilain ang Tao sa walang katapusang pasakit.
Ipagtutuloy natin ito sa pagbigkas ng ating mga berso, Bismillahir Rahmannir Raheem, sa ngalan ng ating makapangyarihang Allah, na siyang Napakamahabagin at siyang lubos na Napakamaawain. Ang Maawaing Allah ang siyang nagpadala kay Sayyidina Muhammad sa mga tao. Ipahatid natin ang ating pagmamahal, at ang ating mga pagbati (salams) at dasal (selawats), sa ating minamahal na Propeta, isang minamahal ng kanyang Panginoon (Habebullah ).
Assalamu’alaikum wrh wbkt, oh ikaw na naghahanap ng kanyang presensya.
Nandito ka hindi dahil ito’y nagkataon lamang o kaya’y nadala ka sa lagusang ito ng hindi sinasadya. Walang bagay ang nagaganap ng walang gabay sa Kanyang walang katapusang karunungan. Lahat ng nagaganap ay may mga lihim na mensahe sa kabila ng isang napakahirap na pagsubok. Kahit man ang isang maliit na nilalang ay nagdadala ng sobra-sobrang benipisyo sa Tao.
Nandito ka dahil ito’y nakatakda at ika’y gagabayan sa lagusang ito. Ito’y isang banal na sugo simula pa sa Araw ng Pangako. Ito’y naroon na bago ka pa nabuhay sa mundong ito. Ginabayan ka ng Kanyang mga Kamay sa Pinto na magdadala sa walang katapusang kaligayahan.
Sa pagkakataon na ito, ang iba sa inyo ay manantili sandali subalit agad aalis ng hindi natitkman ang tamis ng pukyutan at mainom ang hindi nakakasawang karunungan. Sa kanila na kaawaawa, paalam! Sapagkat walang pili ang relihiyon— kung ano ang itinanim, siya mo ring aanihin. Sapagkat sinabi na minsan ni Arkanghel Gabriel sa Rasulullah (saw), “Gawin mo ang gusto mo sa mundo O Muhammad, ngunit tandaan mo na mananagot ka sa lahat ng iyong ginagawa. At mabuhay ka sa nais mo O Muhammad, subalit alalahanin mo na isang araw ay maghihiwalay kayo sa taong mahal mo pagdating ng kamatayan.” Kaya sa inyo na Naghahanap, malaya kayong bumalik o kaya ay umalis ayon sa inyong kagustuhan.
Subalit may iba na itutuslo ang kanilang daliri sa paa sa tubig ng nagaanyayang batis at pagkatapos ay magpapakalunod sa mas malalim na bahagi ng tubig at mananatiling hindi natatakot o magdadalwang-isip sa kabila ng nakaabang na panganib. Nilalabanan mo ang iyong pagkamataas at kagustuhan upang ikaw ang magtagumpay dito sa napakahirap mong paglalakbay. Hanggang sa mag-abpt ang river at ang karagatan, ang mga alon ay naging mapayapa sa kabila ng malumanay na pag-agos ng tubig. Ang mga patak ng tubig na minsan ay naging Ikaw ay hindi na ngayon ‘ni ang mga patak ay hindi na mapapagkamalan dahil mas malawak na ang karagatan kaysa dito. Sa kanya na napakapalad, “Lahat ng papuri ay bigay sa iyo dahil kay Allah na siyang nagligtas sa isang nawawala gamit ang kanyang Malawak na Pagkamaunawain.” Maligayang pagbati sa Lambak ng Walang Katapusang Katahimikan.
O ikaw na Naghahanap, kailangan mong alamin ang iyong sarili. Kung saan ka naroon ngayon at kung saan ang iyong destinasyon. Mayroon kang isang pagkakataon, O ikaw na naghahanap. Sa oras na matapos ka sa paglalakbay dito sa makamundong buhay, hindi ka na muli pang dadaan dito.
Ang paglalakbay na ito ay nakakapagod at ang pupuntahan ay hindi mo maipapaliwanag. Sapagkat paano mo mapapaliwananag ang lasa ng pukyutan, ganoon din ang pakiramdam ng pagyakap o ‘di naman kaya’y ang paggalaw ng pag-ibig?
O ikaw na Naghahanap, ikaw ang bukas-palad na tinatanggap upang tanggapin ang mga karunungan mula sa Suhbahs na nilalaman ng WEBSITE na ito. Mga paliwanag na nagmula sa ating mahal na guro na si Maulana Shaykh Muhammad Nazim Al-Haqqanai Al-Adil Al-Qibrisi— ang ika-40 GrandShaykh ng Naqshbandi Tariqat Order. Ang mga turo dito ay nagmula sa puso ng isang nagmamahal, ng isang hindi iniisip ang sarili at piniling sumuko ng buo sa Kanya.
Hindi ka tinawag ni Maulana para sa kanyang sarili, ‘ni tinawag ka para sa kanyang Tariqat. Itinawag ka upang maging isa sa kanya sa kanyang paglalakbay sa pagtikim, sa kanyang paglalakbay para sa pag-ibig.
Upang akuin ang kanyang Kamay at tikman ang kanyang pag-ibig, tanggapin mo angkanyang imbitasyon.
Matutulungan ka ng mga koneksyon na ito:
Ano ang Suhbah?
Paano ka matutulungan ng website na ito?
Paano mo magagamit ang website na ito?
Paano mo kami matutulungan.
Sumisid sa mga ehemplo ni Maulana Shaykh Nazim’s Suhbahs.
Simulan mo ang iyong paglalakbay dito!
Kung ikaw ay nawawala at kailangan mo ng tulong, sumulat lang sa admin@SufiHub.com. o di kaya ay sumunod(follow) o pag-usapan natin iyon sa Twitter (SufiHub), Skype (SufiHub) o sa Facebook (SufiHub). Maari mo rin kaming tawagan o sulatan sa +65 8200 9955. Kaya mabatid!
Kami ay naghahanap ng mga boluntaryo upang matulungan kaming isalin ang website na ito sa iba’t ibang wika hanggang sa maaari. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin kung isa kang masigasig na buluntaryo. Maraming salamat at nawa’y gabayan ka ni Allah!
You must be logged in to post a comment.