Buod ng araw-araw na mga Suhbah ni Maulana Shaykh Nazim
8th April 2010, Huwebes
Ipagtanggol ang katotohanan, at siya ay ipagtatanggol ka
A’uzubillah himinash shaitan nirrajeem
Bismillah-hir Rahman-nir Raheem
Assalamu’alaikum wrh wbkt
- Si Maulana ay tinatanggap ang mga dumadalo, Sino ang kasalukuyan naghahanap ng proteksyon atsaka sino ang humahangad maging tagapagtanggol ng Haq (Katotohanan), mga tagapagtanggol ng Paraan ng Rasulullah (saw). May mga iba doon, na dumalo sa Suhbah na ito sa kakaunting araw, Bago sila pagkatapos nagsimula na sila na lumaktaw – iyon ay tanda ng pagkukunwaring banal. Sinuman ang nakakaramdam ng inis sa pamamgitan ng aralin na ito ay ang kasama ng Shaytan, dahil sa ito ay mga alahas ng mga payo galing sa banal na dila ng ating Mahal na banal na Propeta (saw). Sila lamang mga alipin ng Shaytan at kanilang sarili ang siyang hindi tatanggap ng payo ng nasa langit. Kailangan natin ang layunin na isanay ang ating mga naituro sa bawat Suhbah, wala rin punto ang pag-aaral natin kahit pa isang daang Suhbah, kung hindi mo isasanay ang natutunan mo! Bagaman ito ay payo magiging isang maliit na mapait, ang Suhbah ay dapat mamudmod tulad ng isang mapait na sakit na tabletas, upang maturuan, gamutin at imulat ang mga dumadalo.
- Dapat bigyan natin ng sukdulang pansin sa bawat Suhbah! Dapat bigyan natin ng ating buong pansin, ating pinakamatataas na paggalang, dapat tayo magtanong sa ating sarili, para kanino ang pagtitipon na ito? Ito ba ay kaluguran kay Allah? O shaytan? Ang sagot ay malinaw, kung ito ay pagtitipon na gaganapin ayon sa banal na turo – sa pagpuri at luwalhati sa Makapangyarihan – dapat ba hindi ito ang ibigay natin na Suhbah na walang uliran karapatang mauna kaysa sa lahat? Kung sino man ang manliit ng aralin na ito, o kaya ilagay nila sa pinakahuli sa listahan ng karapatang mauna. O hindi nila bigyan ng halaga ito – yan ang magandang sukat na kung gaano ang kagagawang Shaytan nakatagos na impluwensiya sa mga taong ito. Maraming ng tao, ang na impluwensiyahan na ng Shaytan, nananatili na hindi nila kailangan ang palagian na pagpapayo, Nararamdaman nila na “alam na nila kung ano ang dapat nilang gawin.’ Sabi pa nila, “Kami ay dadalo ng Suhbah na paminsan-minsan lamang, iyon ay sapat na sa amin.” Iyon ay totoo, kung ang lahat ng naririnig mo sa Suhba ay isinasagawa mo.
- Wala sa inyo ang pwede tumanggi sa mga pagpapayo, hindi kahit na isang Hari. Ngunit ang mga tao na nasa kapangyarihan ay mga madalas na nagmamalaki; pakiramdam nila na nasa ilalim sila na tanggapin ang payo na sa akala nila ay nasa mababa ang katayuan kaysa sa kanilang sarili. Ito ay payo ni Maulana sa mga mapagmataas na tao – tumingin ka ng mabuti sa salamin, ano ang makikita mo? Ang makikita mo ang isang tao na igagalang dahil sa nakasuot ng mamahalin at magagandang damit. Marami tao nakadamit ng maayos at magmamayabang sa nakapalibot sa paligid, iparada ang kanilang mga nagawa at mga medalya – masaya sila na mapansin sila at paghanga ng kanilang mga nakabababa sa kanila. Yan ba ay tunay na karangalan? Karangalan ba ang nakamit sa pamamagitan ng tulad ng mga mababaw na mga bagay tulad ng mamahaling damit at mga karangalan na mga medalya? Ano ang mangyayari kung ang isang tao ay alisin na niya ang kanyang damit at mga medalya, “at dons normal”, simple, at ordinaryong damit – nawala na ba ang kanyang karangalan? Ang mga tao sa kanilang pang-uunawa ay nabubuhay sa mababaw na mundo. Ito ay pekeng mundo ng huwad na karangalan, tulad ng mga plastik na prutas – hindi masarap, guwang at mura (walang halaga). Marami ang nadadala “mesmerized” sa pamamagitan ng kinang ng Mundo, ngunit ito ay kahangalan, sabi ni Maulana , sila ay nalinlang ng Shaytan, Nawala sila sa kanilang pag-iisip at humantong sa pamamgitan ng kanilang mga ilong, sa pamamagitan ng Shaytan, sa Impyerno.
- Kaya ang pagpapayo ay pinaka mahalaga, si Allah ay nagsabi sa banal na Koran,
وَذَكِّرۡ فَإِنَّ ٱلذِّكۡرَىٰ تَنفَعُ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
At ipaalala (sa pamamagitan ng pangangaral ng banal na Koran, (Ya Muhammad SAW) para sa katotohanan, ang pagpapaalala ay kita ‘profit’ ng mga nananampalataya. (Quran 51:55)
- Ang natutunan iyan ay dapat na ipagpayo sa mga mayayaman at malalakas, huwag silang mabulag sa kanilang makamundong tinatangkilik. Ang mga Iskolar ay dapat nilang pagbawalan ang mayayaman na magtayo ng matatayog na gusali “skyscrapers”, at dapat ipaalala nila sa kanilang mga tagasunod na huwag magpadaya sa kanilang kayamanan. An gating mahal na Propeta (saw) ay nagsabi, sa katapusan ng oras, ang aking Ummah ay mag-uunahan sila magpapatayo ng matatayog na gusali.” Tingnan ninyo kung gaano na karami ang matataas na gusali sa Banal na Moski sa Makkah nagyon! Sa isang hadith, nabanggit doon na, kung ang tao ay gumawa’ ng bahay na mataas kaysa dalawang palapag ang taas, ang mga Anghel ay magsasabi, “Oh isang mangmang, saan mo gusting makarating ang iyong gusali? Kahihiyan sa iyo!” ang pagtayo ng matataas na gusali, ang mga Muslim ay sumusunod kay Namrud, ang kaaway ni Allah – Bakit ang mga nananampalataya ay tumutulad ganitong tao? Bakit ang mga nananampalataya ay tumutulad ‘copy’ sa mga hindi-naniniwala/walang pananampalataya. Ang paraan ng Batil (kabaliktaran ng Haq)?
- Ang Tabligh (ang pagkilos ng pangangaral) ay napakahalaga sa Islam. Guro/ Gabay/ Iskolar/ Malaman sa buhayay dapat nilang alamin ang kanilang responsibilidad, at dapat hindi sila busy sa kanilang sarili sa walang kuwenta at hindi mahalagang bagay, habang naunang nabanggit na kanilang tungkulin kalakasan ng paaalala/Pagtuturo /Gumagabay. Nakakaawa ang karamihan sa kanila ay busy sa paghahanap tulad ng isang relihiyoso, sa halip ng pagbibigay aktwal na payo sa pagligtas-ng-buhay, araw at gabi, sa mga maysakit na Ummah.
وَلْتَكُنْ مِنْكُمْ أُمَّةٌ يَدْعُونَ إِلَى الْخَيْرِ وَيَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَأُولَئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Hayaang may tumindig mula sa lipon ninyo na isang pangkat na nag-aanyaya sa lahat ng mabuti (Islam), na nagtatagubilin ng Al-Ma’ruf (ang pagsasampalataya sa Kaisahan ni Allah, at lahat ng mga pinag-utos ni Allah na dapat gawin) at nagbabawal sa Al-Munkar (Pagsamba sa maraming diyus-diyosan, kawalan ng pananalig at lahat ng ipinagbabawal sa Islam). At sila ang magsisitagumpay. (Quran 3:104)
- Ang mga sila may natutunan dapat nila intindihin ang responsibiledad ay ilagay sa kanilang balikat, dapat na ituro nila sa mga kumikilos na laban sa Sharī’ah Allah (tulad ng tagapagtayo ng ‘skycrapers’). Gabay sa inyong kawan ‘flock’ upang alalahanin ang kabilang buhay, Sabi ni Mawlana, ito ay totoo na ang ibang mga tao mababalisa kung masabi ang kamatayan, at ayaw nila ipaalala sa kanila ito, Ngunit ang paalala na ito ay dapat ibigay, upang iligtas ang Sangkatauhan, kahit na ito ay makakaharap na matigas na pagsalungat ng Shaytan.
- Sabi ni Mawlana, siya ay nangangaral gamit ang madaling-maintindihan na wika, at kahit na ang kanyang mga utos inglis ay mahirap ‘poor’, siya ay nagdarasal kay Allah para sa madad (suporta) na ito ay makalangit na mga payo, maarok/makakapasok sa mga Puso ng mga dadalo, at pagtapak sa mga bulong ng Shaytan. Ang mga sila na marunong dapat hindi layunin nila na tatakan “impress” ang kanilang mga tagasunod o kaya subukan nila sa pagsilaw nila sa mga magarbong mga salita, para sa ano ang punto ng malilinaw na mga salita na walang mga espiritwal na makakapasok “penetration” sa Puso ng kanilang tagapakinig? Ang kanilang pinaka layunin ay dapat ang maihatid ay tapat na payo sa sangkatauhan. Magdasal para sa Banal na suporta, na ang mensahe ay makarating sa mga pamamahay na malakas at malinaw. Hindi mahalaga na kahit kakaunti lamang ang mga dumadalo (Ang mga iba ay nagtuturo lamang sila kung marami ang mga dumadalo), ikalat ‘spread’ ang banal na mensahe!
- Ito ang paalala ni Mawlana – gamitin mo ang buhay mo sa pagtatanggol ng katotohanan, pagtataguyod sa katotohanan at pagprotekta sa katotohanan, at si Allah ay ililigtasa ka ditto sa lupa atsaka sa kabilang buhay. Lahat ng Suhba nakaayon sa Haq (katotohanan). Kung ang buhay mo ay ibinigay mo sa pagtatanggol sa Haq, Lahat ng makalangit na pwersa ay protektahan ka at tatayo sa pamamagitan mo. Subalit kung inabandna mo ang pagpapalaganap at pangangaral ng Haq, ang Shaytan ay (guguhit) lalapit sa iyo. Siya ay mag iimbeta sayo na sumali sa pakikisama sa mga sila na sinumpa.
- Sinuman ang nagsisikap sa Haq, ay laging pinarangalan. Kung Siya ay mamatay, ang mga anghel ay maghihintay sa kanilang hantungan, Sila ay mag-welcome sa kanya na may paggalang at karangalan. At kung sino ang nakuha ng bulong ng Shaytan, sila ay nakuha ng kanilang mga pinaka makamundong damit sa kamatayan, at sa kanilang huling hantungan, ang Shaytan ay maghihintay sa pagdating ng isa mula sa kanilang nakuha na sinumpa na kasamahan. Sa bawat tao na nakalaan para sa Impiyerno, ay ‘tinatanggap’ ng Shaytan sa pagdating nila sa kanilang libingan – ano ang kakilakilabot na kasama ang naghihintay sa ating libingan.
- Tayo ay nasa huling araw na pahina, ng Libro ng Mundo at ito ay nasa pinaka huling pahina, ang pakakak ay kulang na lang na ihipin, at malapit na, lahat tayo ay magtitipon upang harapin ang paghuhukom. Patnubayan tayo ni Allah, kaya ang ating mga paa ay manatili sa Haq at tayo ay dalhin na maging tulad ng nanirahan sa Mundo, Ipagtanggol ang Haq, dito lamang sa mga lipon na ito ang makakakuha ng kaligtasan, kasiyahan at ligtas – lahat ng iba ay nasa ganap na kaguluhan at panghihinayang. Ang pagpili ay nasa sa inyo.
Al-Fatihah.
You must be logged in to post a comment.