Alamin ang iyong Muslim na Kalendaryo at etika

Ang Suhbah pagkatapos ng Pagsimba sa araw ng Biyernes ni Maulana Shaykh Nazim

Alamin ang iyong Muslim na Kalendaryo at etika

Ika-tatlo ng Disyembre 2010

A’uzubillah himinash shaitan nirrajeem

Bismillah-hir Rahman-nir Raheem

Assalamu’alaikum wrh wbkt

  • Si Maulana ay tinangisan ang mga karamihan ng Muslim na walang alam sa kalendaryo ng Islam, sa halip sila ay lumaki na nalalaman nila ang kalendaryo ng (kristiyano) taga Kanluran. Hindi nila alam na ngayon ay nasa huling araw na tayo ng Zulhijjah, at ito ay Lunes (Ika-anim ng Disyembre 2010) ay huling araw na ng Muslim Hijriyang Kalendaryo sa Taong 1431.
  • Ano ang pinagbabatayan ng Kalendaryo ng mga Kristiyano? Sabi nila ito ay nagsimula sa kapanganakan ni Propeta Hesus (as). Ito ay walang suportang ebidensya na katotohanan, at walang sinuman ang nakakaalam kung kelan siya pinanganak. Atsaka, nakasulat ba ito sa mga Banal na Libro na ang Kalendaryo na ito ay magsimula sa araw na iyon?
  • Sa kabila nito, Ang Hijriyyah na Kalendaryo ay base sa makabuluhan at napakadakilang pangyayari, Na ang Banal na Propeta (saw) lumikas mula sa Makkah patungong Medina. Ang Kalendaryo ng Islam ay base sa matatag na pundasyon, at dapat natin ito malaman at maipagmamalaki natin ito. Kung ititigil natin ito, mawawala ang karangalan natin, maliwanag na sa atin ito ngayong panahon.
  • Sa Islam, ang simula ng panibagong araw ay magsisimula sa paglubog ng araw (Maghrib) Ang paglubog ng araw ay tanda ng simula ng panibagong araw tulad ng Kung ang paglubog ng araw sa hapon ng huwebes, ibigsabihin nito ay simula na ng Biyernes. Sa kanlurang bahagi ng Mundo, ang simula ng araw nila ay hating-gabi. Saan nila nakuha ang Turo na ito – Sa Banal na Libro nila?
  • Ngayong panahon meron ng dalawang bilyon na Muslim na may pinakamahinang pananampalataya ‘faith’, sa kasaysayan ng Islam. Nandito na tayo sa panahon ng kahinaan at kamangmangan, sila ay alinsunod sa mga taga Kanluran sa kanilang pananamplataya at pamamaraan ng pamumuhay na gustong gusto nila, ang kanilang paniniwala ay ang pamumuhay ng Taga Kanluran ay ang pinaka mataas na punto ng sebilisasyon, datapwat sa katotohanan sila ang pinakaligaw (sumusunod sa lahat ng kagustuhan at kaakuhan nila) sa kalahatan. Karamihan ay balintuna, ang mga pananampalataya ng taga Kanluran ay ang umaagnas at sumisira sa Paraan ng Pamumuhay ng Islam, tayo ay sumusunod sa ningas na pamamaraan nila. Naisipan ba natin, kung tayo ay nagbibigay ng karangalan at tutulad sa pamamraan nila, ginagawa din nila bas a atin iyon? Habang inaabanduna natin ang ating kalendaryo, at ginagamit natin ang sakanila, nakita niniyo nab a sila gumagamit ng ating kalendaryo? Hindi nila yun ginagawa, dahil ito ay base sa paglipat ng lugar ‘pandarayuhan’ ng ating Banal na Propeta (saw), at hindi sila naniniwala sa katotohanan na katunayan siya ay Propeta. Kung tayo ay susunod sa kanila, at hindi bigyang kahalagahan ang ating kalendaryo, tayo ay tumatalikod din sa ating Propeta (saw).
  • Dapat natin suriin ang pananampalataya ng mga taga Kanluran, at tanungin natin an gating sarili iyon ba an gating Pananampalataya. Ang pananampalataya nila ang tao (HesuKristo) ay Panginoon ng Sanlibutan ‘Mundo’. Ang Pananampalataya nila ang kanilang Panginoon ay lupig sa pamamagitan ng isang dakot na Sangkatauhan, at napako sa Krus. Kahit ngayon, ang buong mundo ay naghahanda sa pagdiriwang ng “Pasko”, tanungin ninyo sarili ninyo, galing saan nagsimula ang pagdiriwang na ito pumailan? Sabi nila ito ay pagdiriwang ng kapanganakan ni HesuKristo. Naipanganak ba siya sa araw na iyon? Nasabi ba ito sa mga Banal nilang Libro?
  • Ang sangkatauhan ba ay kalianman naisipan nila ito, Kung sino ang Lumikha kay Hesus? Sino ang naglagay ng binhi na iyon sa sinapupunan ni Maryam (as)? Sino ang nag moda ng bata sa sinapupunan, at nagturo na magsalita noong ito ay isinilang? Isipin mo, para maintindihan mo ang katotohanan, at huwag mong ibase ang iyong buhay sa kathambuhay at imahinasyon. Habang ang mga taga Kanluran ay nagdiriwang ng Pasko at kaligayahan, sila ay umiiyak sa pagkapako sa krus ng kanilang Panginoon? Ang mga Muslim, bilyon ang sumusunod sa ganitong pagdiriwang! Si Maulana ay nagpahayag ng galit sa karamihan na tinatawag-gayon Muslim, may mga pangalan na Muslim, sila ay nasasabik sa pagdating ng pagdiriwang ng Pasko, Habang sabay, pagiging napakaligaya hindi nila alam ang kanilang bagong taon ay ilang araw na lang! Sa paggawa nito, nawawala na ang kanilang karangalan, atsaka sila ay mahita ‘incur’ ang galit ng Panginoong Allah ang PinakaMalakas. Sabi ni Mawlana parehas na Muslim at Kristiyano ngayon ay nasa ilalim ng Banal na Galit.
  • Kaya, si Mawlana ay sinusubukan niya gisingin ang mga natutulog na Muslim, para bigyang karangalan at paggalang sa kanilang sariling kalendaryo, ngunit kung sino ang ayaw nito ay makakaranas ng kaawa awa sa darating na taon. Mag ayuno kayo sa huling lunes ng taon na ito, at sa martes din, ang unang araw ng bagong taon, at kayo ay makakatanggap gagantihan ng pag-aayuno ng buong ikot ng taon (Hadees).
  • Si Mawlana ay naghatid din ng mabalasik na paalala sa mga sila na may kapangyarihan, na huwag silang makuha sa akala nila totoo na sila ay may kapangyarihan. Ang isa ay pwedeng umupo sa trono isang araw, at pwedeng mamatay dadalhin sa sementeryo sa kasunod na umaga. Dapat lahat tayo, ang may mga kapangyarihan o silang mga ordinaryong mamayan, dapat tuparin nila ang kanilang responsibilidad sa Panginoon, para maiwasan ang Palaso ‘Arrow’ ng Sumpa ni Allah sa kanila.
  • Nagdasal si Mawlana paratingin na ni Allah ang kanyang lingcod, ang napili na pagkaisahin ang mga puso, hindi ang ating pagiging pisikal, sa tunay na pananampalataya.

Al-Fatihah

Komentaryo

Basahin mo ang katapusan-ng-taon doa pagtapos ng asar sa huling araw ng Zulhijjah (Pagkatapos ng Magribh).

Bismillaahir rahmaanir rahim.Washallallaahu ‘alaa sayyidinaa muhammadin wa’alaa aalihii wa shahbihii wa sallam. Allaahumma maa ‘amiltu fii haadzihis sanati mimma nahaitanii ‘anhu fa lam atub minhu wa lam tardhahu walam tansahu wa halimta ‘alayya ba’da qudratika ‘alaa uquubatii wa da’autanii ilat taubati minhu ba’da jiraa-atii ‘alaa ma’shiyatika. Fa innii astaghfiruka faghfirlii bi fadhlika. Wa maa ‘amiltuhuu fiihaa mimmaa tardhaahu wa wa’adtanii ‘alaihits tsawaaba wa as-aluka allahumma ya kariimu yaa dzal jalaali wal ikraami antataqabbalahu minnii wa laa taq tha’a rajaaiiminka yaa kariim. Wa shallallahu ‘alaa sayyidnaa muhammadin wa’alaa aalihii wa shahbihii wa salam.

Selawat sa ating Banal na Propeta (saw) at sa kanyang pamilya. Oh Allah, sa nakaraang taon, ako ay nakagawa ng pinagbabawal na gawain, ngunit ako hihingi ng Iyong kapatawaran, at ni hindi Mo tanggapin ni kalimutan ang kasamaan na nagawa namin. Ikaw ang may hawak na ibalik ang parusa dahil sa akin. Inutusan mo kami na humingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan. Kaya ako ay humihingi Sayo na tanggapin ang mga kabutihan nagawa nung oras na iyon, Oh Allah, Oh Isang Mapagbigay, Ya Dzal Jalali wal ikram. Salam at selawats sa aming Propeta at sa kanyang mga kasama.

  • Ito ay sinabi kung sino ang makabigkas ng doa 3 beses, ang shaitan ay maglagay ng dumi sa kanyang sariling ulo, sa kalungkutan na ang kasalanan ng nanampalataya sa nakaraan na taon ay napatawad na. Tulad ng sa negosyo, dapat natin bilangin ang pagsasarang-taon-account, pagkatapos ng doa na ito, isipan na may panghihinayang at mataos na pagsisisi, tungkol sa aming mga mali sa nakalipas na taon, ibigay ang huling Kaunting sandali ng taon, sa pagsisisi at doa.
  • Pagkatapos ng Pagdarasal ng Magribh sa parehong araw, bigkasin sa simula-ng-taon doa upang salubungin ang Bagong Taon, Iyon ang Pinaka unang araw ng Muharram (Pagkatapos ng Magribh).

Bismillaahir rahmaanir rahim. Washallallaahu ‘alaa sayyidinaa muhammadin wa’alaa aalihii wa shahbihii wa sallam. Allaahumma antal abadiyyul qadiimul awwal. Wa ‘alaa fadhlikal ‘azhiimi wa juudikal mu’awwal. Wa haadzaa ‘aamun jadiidun qad aqbal. Nas-alukal ‘ishmata fiihi minasysyaithaani wa auliyaaihi wajunuudihi wal ‘auna ‘alaa haadzihin nafsii ammaarati bissuui wal istighaala bimaa yuqarribunii ilaika zulfaaya dzal jalaali wal ikraam. Wa shallallahu ‘alaa sayyidnaa muhammadin wa’alaa aalihii wa shahbihii wa salam.

Selawat sa ating Banal na Propeta (saw) at sa kanyang mga pamilya, Oh Allah, Ikaw ay Isang Walanghaggan, sa pamamagitan ng Iyong Karangalan at Pagkakabukas-palad, Ipinamamanhik Ko Sayo sa darating na taon, upang protektahan kami sa mga sinumpang Diablo, mula sa kanyang mga katulong at sa kanyang mga hukbo. Atsaka humingi ng proteksyon mula sa aking mga kasamaang hinahangan at kakauan, ang laging nagtutulak sa akin upang Tungayawin Mo at ang nagdadala sa akin upang magpalipas ng oras sa mga walang silbi na Gawain para makalayo sa Iyo. Salam at Selawat sa ating Propeta at sa kanyang mga kasama.

  • Ito ay sinasabi sinuman ang makakabasa ng doa 3 beses, si Allah ay humirang ng dalawang anghel para samahan ang taong nananampalataya, upang protektahan siya sa mga fitna sa shaitan, sa parating na taon. Pagkatapos banggitin ang doa, gumawa ng maraming mabait na intension, upang maging mas mabuting mananampalataya sa parating na taon.

Ang 35 na minuto na Suhbah sa Inglis, makikita sa www.Saltanat.org, piliin ang menu sa bahaging kanan, ‘Cuma Sohbat 03 Dec, 2010’. Meron CC button malapit sa Volume control sa ibaba ng screen para pumili piliin ang subtitles sa walong wika, pumili sa Arabic, Bahasa Indonesia/Melayu, German, English, Spanish, Italian, Russian and Turkish. Sa panahon ng live Suhbahs, ang button sa taas magbibigay ng live Audio salin sa ibat ibang wika. Kung ang video ay wala na doon, hanapin ito sa video archieves sa theSaltanatTV site.


Mga Kagawian sa Muharram

Suhbah noong ika-30 ng Nobyembre 2010

  • Si Maulana ay nagsalita sa mga nalilitong Ummah na naligaw sa knilang daan, hindi na nila alam ngayon ang kanilang Muslim na Kalendaryo. Siya ay humihikayat sa atin na mag ayuno sa unang sampung araw ng Muharram (ika-7 Disyembre 2010 hanggang ika-16 Disyembre 2010) – kayo ay pwedeng mag ayuno sa buong sampung araw, o kaya pinakamababa, sa sampung araw lamang (ika-16 disyembre 2010), ang Banal na araw ng Ashura. O kaya kayo ay mag ayuno sa ika-8, 9 at ika-10 ng Muharram, o kaya sa ika-9, 10, at ika-11. anuman ang mga kaso, huwag ninyong iwanan ang Muharram ng walang pag aayuno kahit man lang isang araw, dahil sa ito ay napakarangal na buwan, at sinabi ni Maulana ngayong parating “puno’ ngayong taon.
  • Si Maulana ay nagsabi sa aming lahat na isali sa pang-araw-araw na Zikir:
40 times Salawat Tunjina
100 times Hasbuna Allah Rabbuna Allah
100 times Bismillah r- Rahman r- Rahim
100 times Ikhlas al Sharif
100 – 1000 times Salawat al Sharif
  • Para sa mga hindi nakakatiyak, ito ang Salawat Tunjina:

  • Si Maulana ay nagpaalala sa atin dapat tayong lalong maingat tumingin sa ating pang-araw-araw na pagdarasal. Sa mga sila na gustong kaawaan ni Allah ng marami, at makarating sa mataas na istasyon sa Paraiso, ay gumawa ng maraming pag-aayuno at Zikir sa Banal na buwan na ito. Pinaalala ni Maulana sa atin ang mundo ay panandalian lamang, at hindi tayo ginawa para sa mundo, tayo ay ginawa upang manampalataya tagapaglingkod kay Allah. Ang Kabilang buhay ay walang hanggan, kaya an gating mga Gawain ay para sa Kabilang buhay. Ang Dunya na ito ay wala; kahit pa ma kolekta mo lahat ang kayamanan ditto sa mundo mapa sa iyong mga kamay, ito ay iiwan mo kung ikay mamamatay. Maging Mabait kang tagapaglingkod, Subukin mong maghananp ng magandang lugar saa kabilang buhay, sa Kalangitan. Walang duda, may mahahanap kang kaaliwan ditto sa mundo, ngunit hanapin mo ang kaaliwan sa kabilang buhay.
  • Sa mas maagang Suhbah, Si Maulana ay nagsabi may nakita siyang maitim na ulap ng kaparusahan abot tanaw ngayong Muharram sa taon na ito. May mga kaguluhan at pag-aaway kahit saan lugar, ito ay oras ng pagsubuk at hindi tiyak, dapat kailangan huwag pumunta kahit saan ngayong buwan, manatili kayo sa kaligtasan sa inyong pamamahay, lalo na kung gabi. Ang mga Kababaihan ay dapat manatili sa loob ng bahay, iwasan nila na magpunta sa moski o kaya sa merkado o palengke – ang mga kalalakihan ang dapat mag-groseri-shopping gawin nilang responseibilidad sa ngayon.
  • Sa ngayon ay nasa taas-baba na ang Mundo, ang mga kalalakihan ay naglalagalag sa lansangan nakikipagtuwaan, at ang mga kababaihan nagtratrabaho upang kumita ng pang-araw araw na gastusin. Ang mga kabataan ay dinala sa mga day-care at sa sentro ng tagpangngalaga ng mga bata – hindin na sila ginabayan ng kanilang mga magulang, at minsan na lng nila matikman ang pagmamahal ng kanilang ama. Ang mga kabataan ay guto nila ng pataas-na-pataas na edukasyon, ngunit ang seglar na kalikasan ng edukasyon ay dalhin sila upang mawala ang kanilang pananampalataya at adab. Ano ang punto ng mataas na edukasyon, kung ito ang isa sa maging dahilan na maging matigas ang kanilang ulo at maging mangmang sa kanilang Panginoon? Gaano kataas ang isa na umakyat, sa pagiging bulag sa katotohanan? Ang Edukasyon ba ito ang makakatulak sa kanya pa taas, kung siya ay mahulog sa ganon kataas (dahil sa walang pananampalataya), ito ay makakasira sa tao na iyon.
  • Ang Tao ay tinapon niya ang banal na batas at gumagawa ng panibagong batas upang masunod ang kanilang hinanhangad. Ang mga batas na ginawa ng tao ay walang maitutulong sa Sangkatauhan. Maghahasik lamang ng ganap na kaguluhan at kawalan ng katarungan. Sa mga sila nakahawak sa Batas ni Allah sila ay aangat at may karangalan, sa mga sila sumusunod sa batas ng kanilang sarili sila ang pinakamababang antas ng nilikha. Kung ang Tao ay hindi sumunod sa banal na batas, ang Mundo ay mapupuno ng apoy, baha’, lindol at mga ganti ng kalikasan.
  • Ang baying ng Muslim (katulad ng Turkey) hindi na banal-na-araw ang biyernes; sa halip sila ay sunod-sunuran sa mga Tagakanluran gawing banal-na-araw ang Linggo. Ano ang ating koneksyon sa Linggo, tanong ni Maulana? Wala. Ang Biyernes ang maykarangalan na araw ipinagkaloob sa mga taong nanampalataya. Biyernes ang ating Banal na Araw, ito ay araw na pista ng mga nananampalataya! Sa oras na ginawa ito ng mga gobyerno na araw ng pagtratrabaho, ibig sabihin ang lahat ay busy sa kanilang trabaho, kaunti lamang ang pupunta sa pagdarasal ng Juma’ah, ang araw ay hindi na binigyan ng karangalan, nakalimutan nila na – ito ay kaparehas lamang ng ibang araw ng mga trabaho. Ang Juma’ahay hindi pwedeng kalimutan, ang Rasulullah (saw) ay isinumpa ang mga nagpabaya sa Jumu’ah, at ang maga tao na ito ay hindi na mapangibabawan ang kanilang mga problema.
  • Isaisip, Ang mga Kababaihan ay dapat manatili sa kanilang pamamahay bilang ilaw ng tahanan, dapat hindi sila magtrabaho. Dapat nilang pangalagaan ang kanilang kabanalan at karangalan sa kanilang pamamahay, at dumako sila sa pag aaruga at pagmamahal sa kanilang mga anak, at gabayan silang mabuti. Ang mga kababaihan ay hindi ginawa upang magtrabaho sa labas ng kanilang pamamahay, at kahit na humanap ng edukasyo, ang mga kabataang babae ay dapat silang pumunta sa iisang-kasarian na eskwela, upang hindi nila mawala ang kahulugan ng kahihiyan sa pakikipaghalo nila sa mga batang lalaki.
  • Panatilihin ninyo malapit sa inyo ang inyong mga anak, gabayan sila ng mabuti. Gawin silang bihasa sa pagsasamba, marahang pasamahin sila sa pagdarasal sa panahon sila ay mga bata pa (sa pagitan ng edad na 5 hanggang 7), at huwag ninyo silang saktan. Maging patient tayo sa kanila, sila ay mga walang alam na nilikha, huwag ninyo silang pagalitan at saktan. Huwag natin silang pa iyakin, ang malalabasan kayo ang paiiyakin nila sa darating na panahon. Kahit na gaano sila ay gumagawa ng kalokohan, gabayan sila ng marahan, huwag ninyo silang pilitin o kaya pahirapan sila. Pwede ninyo bigyan sila ng Kunting mahigpit na pag aaral kung sila ay sumusobra na. ngunit huwag lalampas doon. Ang kaunting parusa ay katanggap tanggap, ngunit ngayong araw may mga makademonyong tao ang sumusobra na, pahirapan at saktan ang kanilang mga anak. Sabi ni Maulana ay nagbigay ng babala walang limitasyon kung gaano saktan ang mga tao sa kabilang buhay. Magkahalintulad, ang mga lalaki kung gaano nila saktan ng karahasan angf kanilang mga asawa. Sila din ay makakatikim ng mabigat na dalita ng kaparusahan sa kabilang buhay. Si Maulana ay nagsabi sa lahat ng kalalakihan, maging mabait sa kanilang asawa.

 

Oh kayong mga Muslim, makinig kayo! kung ayaw ninyong makinig, ang kaguluhan ay darating sa inyo!

Al-Fatihah

Ang 12 minuto maikli na Suhba sa Turkish, ay pwedeng panoorin sa www.Saltanat.org, piliin sa menu sa kanang bahagi,’Muharram 30.Nov 2010’. Meron CC button malapit sa Volume Control sa ibaba ng screen para pumili ng walong subtitle na wika, piliin sa Arabic, Bahasa Indonesia/Melayu, German, English, Spanish, Italian, Russian and Turkish. Sa panahon ng Live Suhbah, ang button sa taas magbibigay ng live Audio salin sa ibat ibang wika. Kung ang video ay wala na doon, hanapin ito sa video archieves sa theSaltanatTV site. Walang ibang site may-ari ng video na ito. Saltanat TV ay ang Opisyal na site ni Maulana Shaykh Nazim na aprobado ng kanyang sarili. All rights reserved.(lahat ng karapatan ay nakalaaan)

About Khalid (Bahasa Sug/Tagalog)

A Lowest Servant
This entry was posted in 2010 @tl, December @tl, Suhbah @tl. Bookmark the permalink.