Paano makakatulong sayo ang website na ito
Tayo ngayon ay nabubuhay sa panahon ng kaguluhan.
Mayroon mga pagbabago at ligalig sa buong sanlibutan ng mundo. Giyera. Malaking Takot. Pag iinit ng Mundo. Polusyon. Pagsasamantala. Pagbibinta ng Tao. Pag Uusig. Rasismo. Pang Aalipin.
Tapos may mga pagmamanipula ng impormasyon, ang pandaraya ng mga patalastas, mga gawaing walang katuturan ‘bunga’, ang walanag kabusugan na gana ng Tao sa kayamanan, kapangyarihan at dominasyon.
At pagkatapos may mga nalululong sa droga. Prostitusyon. Ang paglilitaw ng pagpipili ng pamumuhay, ang sirang pamumuhay na puno ng mga paghahanap-ng-kasiyahan, kahit gaano pa karumi at kadiri ng mga paraan upang makuha ang mga ito.
Maligayang pagdating sa dulo ng katapusan ng Panahon.
Sa mga Banal na Libro, ang mga kaguluhang ito, ay papalapit na sa pagdating ng Armagedon, at sa katapusan ng mundo na alam natin, ito ay nakasulat.
Sa mga nakaraan, may bulong lumitaw, ang sinyales ng Hulang Araw ay nagsimula ng lumalabas. Ngayon, ito ay napakalakas at malinaw, tayo ay nasa lagitik na ng kalagitnaan ng nakakatakot na panahon.
Sa kalagitnaan ng lahat ng napakalabo, Ang Kaluuwa ng mga tao ay hindi makakatagpo ng kapayapaan na kanyang hinahanap. Lahat ng pakikipaghalo niya sa mga beer-haus at sa mga club, lahat ng naipun niyang kayamanan at mga aliw nilublob niya ang kanyang sarili, ay hindi makakapagbigay sa kanya ng kapayapaan gustong gusto niyang makuha.
Ang iyong kaluluwa ay makalangit “heabenly being”, hindi makakahanap ng kasiyahan dito sa makamundong pisikal. Makakahanap lamang ng kasiyahan sa katotohanan ng kanyang pinanggalingan, ang hindi nakikita, ang espirituwal estasyon kung mula saan siya denispatsado.
“Sa pag-aala-ala kay Allah, ang mga puso ay nakasusumpong kapahingahan.” (Surah Ar- Ra’d 13:28)
Ang website na ito ay naghahanap upang maging bintana patungo sa mundo ng turo ng mga Santo, magbubukas ng portal na makaka-refresh ng makalangit na simoy ng hangin na magdadala ng hinahon at katahimikan sa inyong mga puso.
Hindi mo kailangan na maging tagasunod ng Tariqah upang makalanghap ng simoy ng hangin. Hindi mo rin kailangan kahit na maging isang Muslim.
Ang kailangan lang ay naghahanap ka
Dapat mong intindihin ang Banal na kautusan kaya ka nilikha. Dapat Kailangan mo hanapin ang kalooban ng kapayapaan na mayroon tumalilis sayo sa malayo.
Hanapin at iyong makikita.
Ang Panginoong Diyos ay hindi kailanman tatalikod sayo.
“Oh Muhammad, Kung ang aking tagapaglingkod ay magtatanong sayo tungkol sa Akin, Ako ay malapit sa kanila, higit malapit sa kanila kaysa sa kanilang ugat sa leeg.” (Surah Qaf 50:16)